Ang Retorika
Sa pagkuha ko ng
subject na ito’y mas napalawak ang aking kaalaman tungkol sa retorika Ano nga ba
ang retorika?.Ito ay ang pagsasalita sa harap ng madaming tao. Tulad sa
paaralan, ang isang guro ay isang orator sapagkat sila ay nanghihikayat o nagbibigay
kaalaman sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng kanyang mga estudyante. Sa
pagkakataong ito, ang retorika ay nagbibigay kahulugan sa tuntunin ng paggawa
ng isang komposisyon at sa pagsasagawa ng oratoryo, ang pasalitang retorika.Para
sa akin, mdaming gamit ng retorika. Napapalawak ng isang tao ang kanyang
abilidad sa pagsasalita kaakibat ang kompyansa sa sarili at ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa isang bagay na pag uusapan o ipapahayag. Para sa dagdag kaalaman tungkol sa retorika ( https://akosiniko.wordpress.com/2010/04/10/sining-sakalaw-at-gampanin-ng-retorika/ ).
Ang isang
retorikal na diskurso ay kinakailangang maging masining at magkaroon ng tamang
gamit ng salita o gramatika. Sa araw-araw nating buhay ay likas sa atin ang
makipag-usap sa ibang tao. Lingid sa ating kaalaman na mayroong mga salita
tayong mali ang gamit. Dahil sa nakasanayan na natin ay iyon na ang ating
ginagamit, gaya ng pinto at pintuan, bagamat para sa atin maalin ang gamitin ay
tama, pero sa gramatika’y may kanya itong kahulugan at ito’y magkaiba ang
kahulugan.
Sa patuloy na
pagtuklas natin ng mga kaalaman kaugnay sa retorika’y naitalakay din ang
idyoma, ang tayutay at ang alusyon. Ang idyoma ay ang di-tuwirang pagpapahayag
ng iyong saloobin na may kahulugang matalinhaga. Karaniwang naririnig nating
mga idyoma ay ang nagtataingang kawali, na kung saan ginagamit ng ating
magulang kapag di tayo tumutugon sa kanila tuwing may iniuutos. Samantalang ang
tayutay naman ay isa ding matalinhagang pagpapahayag kung saan ay nahahati sa
dalawa: kasangkapan sa paglikha ng tunog at kasangkapan sa pagpapasidhi ng
damdamin. Ang alusyon naman ay ang pamamaraang panretorika na gumagamit ng
pagtukoy sa tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
Lahat tayo ay
nakagawa na ng isang komposisyon. Sa araling ito'y nahasa ang aking kkayahan sa pagsusulat ng komposisyong personal tula ng dyornal, repleksyong papel at blog post. Ang dyornal ay isang talaan ng mga gawain sa araw-araw nating gawain gaya ng mga natutunan ng isang estudyante sa kanyang pagpasok sa paaralan. Sa kabilang dako, ang repleksyong papel ay isang pormal na komposisyon kung saan nangangailangan ng kritikal na pagmumuni ukol sa isang paksa. Samantalang ang blog ay isang internet based journal kung saan ito ay madaling naakses ng maraming tao. Isa sa mga halimbawanito ay ang mga post sa facebook at twitter.
Sa makatuwid, naging kapaki-pakinabang ang pag-aaral ko ng subject na ito, sapagkat mas napalawak nito ang king kaalaman.
Comments
Post a Comment